Monday, September 28, 2009

buhay pa ako..!

I SURVIVED COMMONWEALTH AVENUE and ON MY WAY HOME!!!


tauhan:

-mark mar taipen
(taga-maligaya, kasama ko hanggang robinson)
-maricris donita garcia
(taga bulacan, litex-manggahan two times hanggang regalado sumakay ng bus sa hagdan nakaupo)
-shirley ignacio
(courtesy nya yung sasakyan na naghatid sa amin sa regalado)
-dalawang pup seniors din na kasama namin..
-kuya macoy and other OBs
(featuring UV payong mania)
-sheela mae socito
(cameo role mula litex manggahan two times..sumuko sya agad eh umuwi din)
-grachel joy vigan
(si taxi girl napapunta na lang kila rose dahil wala pa syang sundo)

setting:
commonwealth avenue
camaro street
manggahan
doña carmen
regalado avenue
lagro
robinson
janet's pares house
shop and ride novaliches bayan
jeep ni manong driver..

plot..
sa isang maulan na sabado ng umaga..
tuwang-tuwa ang buong klase ng BBTE 1-1 dahil exempted na sila sa finals ng steno..
pero nadugtungan pa yun ng isa pang katuwaan dahil..

CLASSES SUSPENDED..!!!

wohoo gala tayo sa SM..makipaglaban tayo sa ulan..

ulan to da max na..

kahit kami hindi namin inakala na aabutin kami ng ganitong kalakas na ulan..
dalawang beses kaming nagpabalik-balik sa litex at manggahan..
rason?
walang masakyan..
lahat ng pasaherong kapawa namin gusto na talagang makauwi..

kahit taxi na pangmayamang transportasyon tataluhin na namin makauwi lang talaga..

kaso hindi kami napagbigyan..
dahil tama ang tsismis na sobrang lalim ng baha sa may wilcon..

lahat ng trak na pwedeng sumipsip ng tubig..na naipakawala ng angat dam na syang naging punong dahilan ng pagbaha..

BALIK PUP MODE..
ayun pumasok na ang mga tauhan..
hindi na namin kinaya yung current sa don fabian..
salamat kay manong tricycle driver at tinulungan nya kami..

BALIK MANGGAHAN THIRD TIME!!
with kuya macoy nakuhanan pa ng video ang mapait na kinasapitan ng kanyang payong..

YAN LANG BA KAYA NIYO??
special participation:
mark taipen, shirley ignacio, trish panso at donita garcia at ako na rin..
drama mode sa overpass ng manggahan..
literal talaga tinatangay kami sa itaas..
iniisip ko na lahat ng possibilities..
what if..
dito??at least nakasakay na kami ng jeep..
kontento na ako dun baka makadaan kasi yun sa baha..

JEEP GINAWANG BAHAY..
kinainan..inidlipan ng mahigit sa isang oras..
yun pala lumipat lang kami ng kabilang lane..

KAHIT ANONG MANGYARI HA..!
kasi kapit kamay talaga kaming anim..

CAMARO ROAD..
such a blessing talaga si manong na si-nave kami kungdi langoy mode kami sa doña carmen..
na hindi naman nangyari..
hanggang tuhod lang ang malalim..

CITYOIL CHORVA..!
ayun stage two na kami ng pagsubok.
current kung curent talaga..
at may manong pa na inooferan kami ng 'sige na itatawid namin kayo'
kaso wala na kaming pera noon..

CENTER AISLE..!
yung bus nga kalahati yung level ng tubig sa kanya..
kinatakot na namin yun kasi kala namin..
tapos yun sa center aisle kami naglanguy-langoy with other stranded passengers..
pootek..magkaisa mode..sakalan kung sakalan wala lang mahiwalay sa aming 6..

MCDO-NORTH FAIRVIEW FAIRLANE BRIDGE..
"asa langit na ba kami?"
thankful..
naaawa kasi yung mga bahay na nasa ilalim ng bridge tinatangay na sya..
nagiiyakan na lahat..ng may bahay dun..
the chapel OMG..bubong na lang imagine kung yun bubong e pano pa kaya sa iba?

REGALADO..
yes naman oh thanks God..!
nakarating rin malapit na sa tagumpay..kita mo talaga ang hangin..yung ginaw talaga tinitiis na namin makarating lang sa malapit na stopover..
si donita nga hindi na kinaya sumakay na ng bus sa hagdan na umupo makauwi lang talaga..
sinabay na kami ng father ni ate sheng..which was a great help talaga..
nilibre pa nga ako ni papa mark ng pandesal eh..sinabayan pa nya ako hanggang robinsons..

I'M GOING HOME!!(not yet????)
kasi hirap sumakay nakailang balik na ako sa sakayan ng tricycle..at sakayan ng jeep papuntang malinta islaman talaga..
dahil baha sa may dela rosa..
nakakain na nga ako ng lugaw at dalawang puto maibsan lang ang gutom ko wala pa rin talaga..

BLESSING..!
mga trusted friends na stranded rin sa baha..ayun sama-sama kaming naglakad..

ANOTHER BROKENHEARTED STORY..
ayun may GF na pala ang FIRST LOVE KO..totoo pala yung hinuha ko..
oh well that's life..
pootek nagsama-sama na naman..

UWIAN NA, HOO..!
such a very tiring saturday..
brownout pa sa amin..

at least..
I got home safe..

thanks God..!