Tuesday, November 23, 2010

Five Days.

Oo. Five Days. Five Days pa lang.

Ang hinihingi ko sa kanya, TWO YEARS. Pagkatapos nun, pwede na.
Pwede na akong magmahal.

*bakit Two Years?

Kasi kelangan maka-graduate muna ako. Kelangan matapos muna ang responsibilidad ko bilang tao. Kelangan maipakita ko na kahit ganito ako, na kahit may sakit ako sa pag-iisip ay kakayanin kong harapin ang mundo.

Makes sense.

Pero sa loob ng five days, 3/5. Pano pag nasanay ako na lagi syang nandyan? Pano pag hinahanap-hanap ko na presence nya? Pano pag isang araw, nagising na lang ako..

NA MAHAL KO NA SYA?
*frightened.

AYOKO PA KASI. HANDA NA AKO, OO. PERO AYOKO PA RIN.

Basta. Tao ako, eh. May impulse. Hindi mapipigil ang emosyon.

Sinubukan ko na wag muna. Pero hindi ko pala kaya.
Go bon! Sige, Kaya mo yan.

*Ang kwento ng nangyari kahapon.

Gabi. Ika-23 ng Nobyembre, taong kasalukuyan.
Sinabi ko naman sa kanya na hindi muna. Kasi nga baka masanay ako, di ba?
Kaso, itong si Adik (oo literal), oo sya nga, hinatid ako.
HANGGANG KANTO.
hahahahahaha! Kinikilig ako bakit?
Basta, ganun pala mag-alaga ang isang kapatid na lalake.
Basta. Tuwang-tuwa ako. First time, eh.
*at may mga tsismosang kapitbahay pa. pag nalaman ng nanay ko, tapos talaga ako.

Hindi ko kasi ma-explain yung nararamdaman ko.
Ikaw, nailalarawan mo ba yung smiling face ko? Kung gano ka-wide? yung tipong gusto ko nang tumili kasi nga kiri ako at kailangan ko nang ilabas ito?