Tuesday, May 11, 2010

alam mo.

kung gusto mong matutunan ang mga bagay-bagay, pag-aralan mo.

kung gusto mong maging matibay ang samahan ninyong dalawa, matuto kang pagkatiwalaan yung taong pinaglaanan mo.

kung gusto mong makinig ng matinong musika, bakit hindi mo subukang maghanap ng matinong radio station? o kaya hanapin mo ako. musically-inclined ako, baka hindi mo naitatanong. lols.

kung gusto mo ng matinong kausap, wag ako. humanap ka ng taong may mapapala ka at bigla kang mapapaisip sa mga pinagsasabi nya.

kung gusto mo ng simpleng buhay, wag mong isisi sa ibang tao ang lahat ng failures.


kung kailangan mong kalimutan ang isang tao, wag mo nang isipin ang lahat ng nangyari sa inyo. kasi lahat ng bagay may dahilan. at sya ay isa nang bahagi ng nakaraan.

kung kailangan mong maging totoo para lang masabi ang nararamdaman mo, wag kang matakot. wala pang nakukulong sa taong nagsasabi ng totoo. kung hindi ka nila maintindihan, wala silang magagawa.

kung kailangan mong magpakatanga para sa kanila, okey lang. wag mo lang sobrahan. kung gusto mo talagang maging tanga para sa kanila, yan na magiging tingin nila sa yo habambuhay. kaya please lang, kung kaya mong isalba ang sarili mo, gawin mo na ngayon pa lang.

kung gusto mo ng matinong payo, seek the Bible. yun lang.



and then. tinamad ako bigla.



title?

here goes.

kung gusto mo ng buhay ng sa tulad ko. narito ang ilang kaparaanan para mapabuti ito:

*shetness ang haba.

basta.