Sunday, May 9, 2010

kung mangangarap rin lang ako.

di tataasan ko na, di ba?
ganito ako ka-ambisyosa.
at naniniwala akong walang makakaabot niyan.

bwehehehe. megalomaniac.

echos lang. what I'm trying to say is that, parang yung pangarap kong makatuntong sa Japan ay napakaimposible.
parang malabong mangyari.


sabi nga sa isang quote na nabasa ko:
if you keep on dreaming, it will turn into reality.


o di ba tawagin mo na kong ilusyonada.
tawagin mo na akong ambisyosang mapangarapin.
pero wala, eh.


tipong, I'm willing to do anything.
echos.
matupad lang yun.

kaso.
syempre I have to finish my purpose here muna.
mag-aaral, ga-graduate, magte-take ng board examination, magte-take ng civil service exam.
pag nakapasa, then magma-masteral ako.
thinking of taking up MA Psychology(kung pwede), MA English, MEM, o kaya mag-aaral na lang ulit ako ng Psychology sa pangarap kong institusyon--Unibersidad ng Santo Tomas.
o kaya sa UP kung sobrang talino ko na. bwehe.

tapos.

tapos, magtuturo muna ako syempre, sa Alma Mater ko.
namern. who says I can't teach TLE? e yun yung major ko, eh. hahaha.

tapos, mag-aaral na ako ng Nihonggo. Japanese language syempre.

tapos. magpapakuha na ako sa auntie ko. para matuloy na ang pangarap kong makapag-Japan ng bongga. o kaya. basta. may mga relatives naman kami na taga-doon. so I think, may background na ako in case na matuloy nga.

tapos.
tapos.. yun. dun ako magtatrabaho. as english tutor, o kaya tech teacher, o kaya, home economics instructor, o kaya, singer. malay natin. o kaya, cashier sa Starbucks, crew sa McDonald's, crew sa isang sikat na Pinoy resto, gasoline girl. basta. masarap ang maraming ginagawa pag nasa ibang lupain ka. tama, di ba?

hmm. para naman..

ma-achieve ko na yung nirvana ko.
wanna know the definition of nirvana?
yun yung tinatawag na "kaganapan" ng tao.

yun yung extent purpose. kumbaga. basta kung maiintihan mo o kaya para mas elaborated, i-Wikipedia mo na lang.


of course, unii-san will be going to Canada after two years, kasi dun nya gusto dahil may snow.

tapos ako? ewan ko. pag natapos na ang purpose ko, tsaka na ako aalis.
para wala akong maiwanang bitterness sa puso ko.


diba diba.
o at least nai-post ko na yung ambisyosang pangarap ko.dito sa blogspot.
kasi nasa tumblr archives yung iba.
kung kaya mong hanapin, goodlak!

http://bonipasya.tumblr.com/

there.
yun lang. will be posting my add-ons later.
ja-ne!!!!