december 31 na pala.
ang bilis ng panahon.
parang dumaan ang napakaraming pagkakataon.
para mapadali ang paghilom.
bilis na bilis talaga ako.
as of now, ang daming improvements..
-more faithful kay God
-natuto akong maging independent
-hindi na ako masyadong palamura..
(may nagbawal kasi sa akin, two years back. ano ba yan naaalala ko pa rin ang taong bumago sa pananaw ko)
-maraming na-discover sa sarili ko.
-marunong pala akong makipag-away.
-marunong pala akong lumangoy.
-kaya ko palang tumayo kahit wala na sya sa tabi ko.
-smarter than last year??
(siguro. kasi mas marami akong natutunan. I believe na sa bawat pagdaan ng taon, mas marami tayong nalalaman)
-mas naloka ako.
(kaya kong kausapin ang sarili ko.. parang bago na sa akin eh no.)
mas marami ang changes.
-mas mabait na talaga ako. hindi na ako nambu-bully. ako na ang binu-bully.
-natuto akong gumawa ng bagay without knowing kung ano ang magiging resulta. in short 'sapalaran'. ika nga ni ina.
-at mas marami akong minahal.
didn't mean offense, mas na-appreciate ko ang bagay na hindi ko naman napapansin dati.
so there.
I hope this lucky year would be the same in 2010.
ciao..
happy new year..