Wednesday, December 16, 2009

muli at muli..

bakit kailangan mo pang ipangalandakan sa akin?
para ka namang tanga, o.
kaso mas tanga ako.
kasi ni isa sa mga sinabi mo, wala akong narinig, o naintindihan man lang.
huli na nung nalaman ko.
salamat sa pagtatanong ng sarili ko sa aking konsensya.
mabuti marunong akong magtanong.
mabuti na lang talaga.

kasi yung katangahan ko may kahalagahan pala.
at least.

kasi naman no.
ano bang gusto nyang palabasin?
gusto nya lang bang sabihin sa kin na "hey bon, tama na pwede ba?"

e bakit hindi na lang nya sabihin sa akin nga harapan.
nagpaparinig ka pa.
pasalamat ka hindi ko narinig.
kundi baka nasampal talaga kita.

what's next?
ano tanga pa rin ba ako mamaya?