Saturday, December 26, 2009

minsan may mga pagkakataong.

-sa sobrang pag-iisip nakakalimutan kong mas may importante pa pala sa mga pinagpaplanuhan ko para sa hinaharap.


-pilit kong tinatakasan ang alaala ng nakaraan, pero kusa itong bumabalik.

-gusto kong tapusin ang isang bagay, na napakadali, pero sa huli ang hirap palang tapusin.

-akala ko pag sinabi kong tapos na, hindi na ako mumultuhin ng pangyayaring iyon.

-kung pumasok man syang muli sa isipan ko, wala na akong maramdaman dahil naging bahagi na sya ng kwento ng buhay ko.

-kahit na napakasaya ng lahat, hindi ko pa rin mapigilang malungkot.


-kinakanta ko ang hello, hello ng radioactive sago project...
"ang sarap maligaw sa mundong tulala"
"sino ba ito, sino ba ito sino ba ako?"


-sinasabi ko sa sarili ko na hindi talaga pwede, pero, pag ginagawa ko yun, dun lang ako nasisiyahan.





*woohoo. matatapos na ang kaligayahan ko.
malapit nang magpasukan.
surely, wala na lang ang lahat sa kanya*

*at least naging bahagi naman sya ng buhay ko.
tingin ko sapat na yon.
wala naman akong ibang hinangad kundi makilala pa sya.
na nangyari naman.*

*pero syempre, I should always keep this in mind.
lahat ng bagay ay panandalian lang.
kung magkataon man na naging magkaibigan kayo kahit sandali lang.
at least, kahit sandali may pinagsamahan na*

*kahit hindi nya alam na nagkaroon sya ng puwang sa yo.
mas mabuti na lang na hindi nya malaman.
dahil dun sa sandaling nagkaroon kayo ng pansamantalang pagkakaibigan.
siguro naman, alam mo na una pa lang.
hindi tinadhana na ang naging ugnayan nyo ay mahihigitan pa nung una.*



--ekk.
pano ba yan.........
writer chorva na naman ako..
bukas wala na yan.
sinasamantala ko lang ang pagkakataong naitakas ko ang kamalayan ko.
mamaya mawala na ang konsentrasyon ko.

*ganito pala ang pakiramdam ng taong inindyan (nga ba?), ngayon alam ko na*



-ciao.