Friday, January 1, 2010

..basagan mode na..

pasukan na.
ekk.
ano ba yan.
hindi ko pa narereplenish ang katawan ko.

nanaba.
naningkit.
at nangitim lang ako ngayong bakasyon.

oo literal.
sabog ang labi ko ngayon,.
pero happily, okey na siya. di katulad nung pasko wasak kung wasak mode talaga.
nanaba.
shit yung nightmare jeans ko, nagbabanta.
pag hindi daw ako pumayat, mamamaalam na daw sya.
naningkit.
syempre, ikaw ba naman ang matulog nang 3-4 hours everyday.
tignan natin kung hindi maningkit yang mata mo dahil no space for big eyebags ang drama nya.

I miss school.
miss ko na ang mga ..
friends ko.
classmates.
confidantes.
at ang pinaka-hardcore na nilalang sa balat ng lupa.
hehe.
*got a clue*

wala.
parang tangang-tanga ako sa sarili ko ngayon.
parang may mali sa bawat ginagawa ko.
parang kailangan pagisipan ko ng isandaang beses ang bawat desisyon ko.
ayun.

wala.
parang mali talaga.

ang pag-uusap ng aking dalawang konsensya.

topic: kung magkakagusto na ba sya ng bongga kay *toot*

1: "oy, bonbon, kahit saang anggulo mo tignan. hindi mo pa sya kilala. hindi mo pa alam kung ano ang ugali nya. hindi pa to ang panahon para magkagusto ka ulit. hello, wala pang isang buwan mula nang mabasted ka ni ****, tapos ngayon, nag-uumpisa ka na naman?

2: "dang. e lahat naman ng tao ganyan, eh. pag alam nilang nahuhulog ka na sa kanila, hindi ka na kilala pagkatapos nun. e di mas mabuti kung everytime ka susubok ng bago."

1: "hindi ko naman sinabing gagamitin mo ang taong yung para makalimutan mo lahat ng sakit na pinagdaanan mo, eh. ang sa akin lang. pag nagkagusto ka ulit, wag mo nang ipaalam. bakit? kasi masasaktan ka lang."

2: "e di ba mas maganda nga na alam nya yung feelings mo sa kanya? para sa umpisa pa lang alam mo na kung maggu-grow ba yung feelings mo sa kanya o hahayaan mo na lang."

1: "may point ka. pero ang tao kasi pag alam na nyang may pagtingin sa kanya, umiiwas na agad. kasi di ba, may ilang factor."

2: " kaya lang naman may ilang factor kasi bakla yung taong yun."


*what a pointless conversation*

*verdict?*

magkakagusto ako ulit without knowing him na may nararamdaman ako sa kanya.
kakaibiganin ko sya ng bongga.
I think sa ganong paraan, mas makikilala ko sya.

at hindi nya ako susungitan..
I don't have to expect more from him, kasi kahit isa lang ang mundong iniikutan namin, magkakaiba naman ang inhabitants nun. kaya, I'd rather na intindihin na lang sya na hindi lang ako ang nag-iisa sa mundo nya.

at higit sa lahat..
hinding hinding hinding hinding hinding hinding hindi na ako maga-assume na papatulan ako ng lalaking yun! bakit? kasi malay ko ba na sa lahat ganun sya, di eto na naman si bonbon, nasaktan na naman. brokenhearted mode na naman sya. hay buhay. emote-laslas-tingin sa malayo-tulala na naman.

madali kasi akong tablan sa taong sweet.
alam nila yan.

eto namang si present, unti-unti tinatablan na talaga ako sa kanya. super. as in.
matakot ka na.


*messed-out entry*


~ciao.